OKAY LANG" karaniwang naririnig ko sa isang taong nag titiis, yung tipong dahil mahal nila yung isang tao, kaht nasasaktan na siya, puro OKAY nalang ung nasasabi nia, dahil mas gusto niya i save yung relasyon kesa ipaglaban niya ung sakit na nararamdaman niya.

ngunit minsan, nakakapagod din naman yung tipong puro OKAY LANG?! yung tipong araw araw na siyang gumagawa ng kasalanan dahil alam niyang patatawarin mo siya at ibababa mo ang pride mo dahil mahal mo siya.. Minsan nakaka gago, nakaka urat, kaya minsan jan nagsisimula mamanhid at tumigas ang PUSO ng tao.. alam mo yun, sa sobrang sakit na nararamdaman mo, unti unti ng tumitigas yung puso mong dati kasing lambot ng mamon, pero ngayon mas matigas pa sa bato na galing sa mars. 

Minsan kahit gusto mo pa ilaban yung relasyon, minsan kht sinasabi ng utak mo na "SIGE PA, KAYA MO PA YAN…MAHAL MO DIBA?!"  pero ung puso mo, iba na ang dinadaing… na kahit kaya ng utak mo.. sobrang nahihirapan ka na dahil Hindi na kaya ng PUSO mo. na nagtatalo na ang utak at nararamdaman mo. hanggang sa isang araw, masanay ka nalang na sinasaktan ka nia, at mawalan ka na ng pake at amor sa kanya.

Kaya kayo, pahalagahan niyo ang taong sobrang nagmamahal sa inyo, dahil hindi lahat ng nasayo ngaun ay habang buhay na pag-aari mo… at hindi lahat ng nagmamahal sau ng sobra ay hindi titigil mahalin ka kapag ulit ulit mo na silang sinasaktan… kaya nga may word na “PAGOD” at word na "NAKAKASAWA"

ok sabaw. wala si boss kaya pa long post 

nganga muna tayo :D

#personal  #longpost  #LOVE  #pagod  #sawa  #typo  
  1. unbeatablecorbie reblogged this from batangabroad
  2. mindsucks reblogged this from batangabroad
  3. batangabroad posted this